Sun. Apr 28th, 2024
Trixie ang pangalan ko, since bata pa lang lagi na kaming magkasama ni Ashley. Halos magkapatid na ang turingan naming dalawa. Si Ashley ay anak ng bestfriend ni Mommy kung kaya’t siya na rin ang tinuring kong bestfriend dahil sa lahat ng bagay at pagkakataon kami ang laging magkasama. Ngunit sa isang iglap lang mababago lahat ang aming pagsasama dahil lamang sa isang lalaki.
Tama, iisang lalaki lamang ang minahal namin ni Ashley. Nasa China kami that time. Nagtatrabaho kami ni Ashley sa isang company doon. Ako bilang isang Billing Clerk at siya naman ay isang Receptionist. Sa trabaho ay nakilala  ko si David. Mabait, maalalahanin at mapagmahal si David mga katangiang hinahanap ko sa isang guy. Naging malapit kami sa isa’t-isa ni David hanggang sa dumating sa punto na niligawan niya ako. After a month hindi ko na pinaghintay at pinahirapan si David kaya sinagot ko siya at naging pormal na ang relasyon namin.
Maganda at maayos ang takbo ng relasyon namin ni David. Madalas niya ako hinahatid sa bahay after ng work namin. At lagi kami kumakain ng sabay maging sa company o sa labas man ito. Dumating din ang time na ipinakilala ko siya sa bestfriend kong si Ashley. Wala siyang boyfriend nung time na iyon.
Habang tumatagal ang relasyon namin ni David nagiging close na rin sa kanya si Ashley. At dahil sa pagiging close niya kay David hindi ko akalain na may lihim pala siyang pagtingin sa boyfriend ko. At pilit niya itong inaaakit. Nalaman ko ang lahat ng ito ng minsang isinama niya ang boyfriend ko sa isang birthday party ng isa niyang close friend. Hindi ako nakasama dahil nag-overtime ako sa work. After ng work ko nagtaka ako kasi hindi man lang nagtext sakin si David na kung anu na lagay nila sa pinuntahan nilang party. Hindi ako mapakali at at alalang-alala ako kaya sinundan ko sila sa party. Pagdating ko dun hinanap ko sila sa celebrant at itinuro sila sakin na nasa isang kwarto dahil nalasing daw ang mga ito. Laking gulat ko ng buksan ko ang pinto ng kwarto ang bestfriend ko at ang boyfriend ko magkatabi sa higaan at magkayakap ng walang saplot habang natutulog. Nagulat silang dalawa ng sumigaw ako ng “mga taksil kayo, mga manloloko” at sabay alis ako. Hinabol ako ni David ngunit di ko hinayaan na maabutan niya ako.
Simula ng araw na iyon at sa kabila ng mga nangyari. Nagalit ako kay David at kay Ashley. Kinausap ko si Ashley bakit nya nagawa sakin yun. Bakit yung taong mahal ko pa. Humihingi siya ng tawad, at doon niya inamin na may pagtingin na pala siya noon pa sa boyfriend ko. Nang dahil dun nagkaroon na ng gap ang pagsasamahan namin ni Ashley. Nakipag-break din ako kay David ngunit hindi siya tumitigil ng panunuyo sakin hangga’t hindi ko siya pinapatawad at pinakikinggan ang kanyang paliwanag.
Dahil sa nangyari samin ni David nagkaroon ng chance si Ashley na lumapit sa ex-boyfriend ko at umamin na mahal niya si David. Ngunit hindi siya pinapansin nito. Dahil doon nagalit siya kay David at narinig kong sinabi niya na “bakit ba hindi na lang ako ang mahalin mo David, iniwan ka na ni Trixie kaya ako na lang”. at sinagot naman siya ni David “hindi kita kayang mahalin Ashley dahil si Trixie lang ang laman ng puso ko at hindi ako papayag na mawala siya sa buhay ko”. “Kung anu man ang nangyari satin nung gabi na iyon kalimutan mo na kasi isang pagkakamali yun na dapat hindi nangyari sa ating dalawa. Dahil sa mga salita na iyon ni David sobrang nasaktan si Ashley at galit na galit ito kay David at nakapagbitaw siya ng salita na “kung hindi mo lang din magagawang mahalin ako, hindi rin ako papayag na mahalin mo si trixie”. Natakot ako sa bantang sinambit ni Ashley kay David ng time na iyon.
Nagdaan ang panahon, pinatunayan talaga ni David sakin na talagang hindi siya titigil ng panunuyo sakin ulit kahit ilang rejection pa ang matanggap niya mula sa akin. Dahil sa pagtitiyaga niyang manuyo sakin binigyan ko muli ng pangalawang pagkakataon si David dahil sa totoo lang hanggang ngayon minamahal ko pa rin siya. 
After a month, naging masaya muli kaming dalawa. At this time hindi ko akalain na magpopropose na siya sa akin dahil sa takot na iwanan ko siyang muli. Hindi na ako nag-atubili kaya’t tinanggap ko ang proposal niya kung kaya’t naging engaged na ang status namin ni David.
After a week ng engagement namin ni David hindi ko akalain na may nakaambang panganib sa fiancee ko. Tinawagan ako ni Ashley at pinapupunta niya ako sa isang hotel para makipagkita sakin. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko na may kaba at takot sa puso ko. Pinuntahan ko siya at kumatok ako sa room number na sinabi niya. Pagpasok ko madilim sa kwarto kaya sinindihan ko ang ilaw. Pagkasindi napasigaw ako ng malakas dahil tumambad saking harapan ang katawan ni David na duguan at walang buhay. Iyak ako ng iyak habang yakap yakap ang mahal ko. Nakita ko si Ashley na nakaupo sa isang gilid habang hawak ang kutsilyo at ang ginupit na picture namin ni David at salita ng salitang mag-isa. Sa galit ko hinarap ko siya at pinagsasampal ng malakas at sinabi ko na “bakit mo ginawa ito, bakit mo pinatay ang mahal ko Ashley” wala siyang sinabing iba “dahil mahal ko si David, mas mainam na wala na siya para walang makinabang na iba sa kanya”. Ang pagkakasambit ni Ashley ng ganoon ay para nang wala sa sarili at wala na sa matinong pag-iisip. Dumating kaagad ang ambulance at mga police para hulihin si Ashley.
Sobrang sakit ng ginawa sakin ng bestfriend ko. Mahal na mahal ko si David pero dahil sa maling pagmamahal ni Ashley para sa fiancee ko nagawa niyang gumawa ng krimen. Sa ngayon pinagbabayaran ni Ashley ang kanyang kasalanan sa bilangguan. At dahil sa sobrang sakit ng ginawa niya sa buhay ko kailanman ay nawala na ang connection ko sa kanya bilang pagiging matalik na kaibigan. 
Para naman sa fiancee ko na si David, everytime na uuwi ako ng Pilipinas lagi kong dinadalaw ang kanyang puntod. Hindi ko pa magawang ma-inlove muli sa iba dahil until now hindi pa ako makapag-move on sa nangyari sa minamahal ko. Patuloy ko pa rin itinutuloy ang buhay ko kahit wala na si David. Panahon na lang din siguro makapagsasabi kung kailan ako muli iibig.
Sana kapulutan niyo ng aral ang kwentong pag-ibig ng buhay ko.