Mon. Apr 29th, 2024
Ang akala ko magiging kumpleto na ang buhay ko dahil makakasama ko na ang taong pinakamamahal ko ngunit di ko akalain na ito pa ang sisira sa importanteng araw at kaligayahan ko sa buhay. 
Isa akong Manager sa isang kilala at sikat na fast food resto sa Pilipinas, ako si Rafael. Isa akong runaway groom, tama kayo iniwan ako ng fiance ko habang kami ay ikinakasal. Isang karanasan na hindi ko malimutan sa aking buhay na hanggang ngayon ay naghahanap ng kasagutan kung bakit niya nagawa ang ganoon sa akin. Sobrang sakit at kahihiyan ang idinulot ng nangyari na iyon sa buhay ko.
Matapos mangyari ang sitwasyon na iyon lumayo ang aking girlfriend at nabalitaan ko na lang na nangibang bansa ito. Nang mabalitaan ko na umalis siya ng Pilipinas nalungkot ako dahil sa totoo lang sa kabila ng ginawa niya sa akin mahal ko pa rin siya. Hindi nagtagal pumunta din ako ng ibang bansa kung saan naroon siya na nagbabakasakali na magkita kami doon kahit na tapos na ang lahat sa amin.
Nagtrabaho ako sa New Zealand. Natanggap ako sa isang hotel bilang isang receptionist. Masaya naman ang trabaho ko kahit nakakapagod. Minsan nahohomesick pero nilalabanan ko. Habang ako ay naka-duty may nakilala akong isang babae Zia ang kanyang pangalan. Guest siya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Maganda, morena at balingkinitan ang katawan niya kung kaya’t naattract talaga ako. Nakuha ko ang kanyang contact number kaya natawagan ko siya. After nun nagkalapit ang aming loob hanggang sa nanligaw ako kay Zia. Sa loob ng apat na buwan sinagot niya ako kaya pormal na ang aming relasyon. Nang mga oras na iyon nasabi ko sa sarili ko na nakamove on na ako sa ex-girlfriend ko dahil nagawa ko nang magmahal muli. Masaya kami ni Zia, malambing at sweet siya. Nakikita ko rin at nararamdaman ko na mahal rin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Isang araw, bigla nagyayang lumabas ang girlfriend ko. May imimeet daw ito na kaibigan at gusto niya ako ipakilala dito. Pagdating namin sa kanilang meet up place wala pa ang kanyang kaibigan. After 15 minutes dumating ito at laking gulat ko na ang ipakikilala niya na kaibigan niya sa akin ay ang dati kong fiance na si Zavannah. Nakita ko rin sa mukha ni Vannah ang pagkabigla pero parehas na lang kami nagkunwari na di magkakilala. Kumain at nagkwentuhan lang kaming tatlo. After nun umuwi na kami ng aking girlfriend. Pagdating ko sa bahay bigla ko naisip ang pagkikita namin ng aking ex-gf. Naisip ko bakit siya pa, bakit nakita ko pa siya, bakit bumalik pa siya kung kelan naka move-on na ako at nakalimutan ko na siya at meron na akong mahal na iba na mas deserving sa kanya. At sa kabila din nun pumasok din sa isipan ko ang mga magagandang memory namin ni Vannah at ang sakit na naranasan ko sa kanyang ginawa na sa kabila noon ay nagawa ko pa rin na  sundan siya sa New Zealand dahil sa natitirang pagmamahal ko sa kanya. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating sa buhay ko si Zia.
Habang ako ay papunta sa aking trabaho biglang nag ring ang aking telepono. At ng sagutin ko ito ay boses ni Vannah ang nasa kabilang linya. Gusto niyang makipagkita sa akin. Pumayag naman ako sa kanyang nais, nakipagkita ako sa kanya after ng shift  ko sa work. Pumayag akong makipagkita para makapag-usap kami at matuldukan kung anu man ang nangyari sa amin nuon sa madaling salita para magkaroon ng closure between her and me.
Sa pag-uusap namin, ipinaliwanag niya sa akin kung bakit umatras siya sa kasal namin at nanghihingi siya ng tawad sa akin. At inamin niya sa akin na hanggang ngayon ay ako pa rin ang kanyang mahal kaya gusto niyang humingi ng second chance na maibalik ang relasyon namin dati. Nang masabi niya sa akin yun bigla niya ako niyakap ng mahigpit. Habang yakap niya ako unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayapos sa akin. At sinabi ko sa kanya na hindi na namin maibabalik ang dati. Sinabi ko rin a kanya na pinatatawad ko na siya sa kasalanan na nagawa niya sa akin. Ipinaliwanag ko din naman sa kanya na iba na ang buhay namin parehas at may bago na akong mahal. Mas magiging ok sa amin kung magiging close friend na lang kami. Iginalang naman niya ang naging sagot ko sa kanya at pumayag naman siya na hanggang friend na lang kami. 
Nang maghiwalay kami ni Vannah pinuntahan ko naman sa bahay ang aking girlfriend. Kinausap ko siya at inamin ko sa kanya ang naging relasyon ko sa kaibigan niyang si Vannah. At dahil sa pag amin ko sa girlfriend ko naintindihan naman niya ang naging sitwasyon. Mas lalo niya akong tinanggap at minahal.
Year 2018 nagproposed ako sa girlfriend ko. At year 2019 nagpakasal kaming dalawa sa Pilipinas. After naming magpakasal bumalik kami sa New Zealand at doon na nanirahan dahil nagkaroon na kami parehas ng permanent residency. Biniyayaan kami ng apat na anak. Naging full time wife at mother si Zia habang ako ay naging regular at napromote sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Higit sa lahat masaya kaming nagsasama ng aking pamilya.