Sun. Apr 28th, 2024
Bata pa lang kami ni Ate ng iwan kami ni nanay para mangibang bansa pumunta siya ng America para makipagsapalaran doon bilang isang caregiver, sabi ni Nanay sa amin once na maging American citizen siya doon ipepitition niya kami nila Tatay para sama sama kami doon. Sa pag alis ni Nanay siTatay ang naging ama at ina sa aming magkapatid. Si Tatay din ang naging sandalan namin ni Ate sa lahat ng oras. Isang driver ng jeep si Tatay, araw araw siyang namamasada. Tulong sila ni nanay para mapag-aral kami dalawa ni Ate. 
Isang araw, may isang babae ang dumating sa aming sabi niya kaibigan daw siya ni nanay sa America. At ibinalita niya sa amin na may nangyari hindi maganda sa aming nanay doon, namatay daw ang aming ina doon. Sobrang bigla kami at iyak na lang kami ng iyak habang yakap kami ni Tatay. Hindi na naiuwi sa Pilipinas ang labi ni Nanay, ayon sa kanyang kaibigan sa America na siya nailibing dahil nga citizen na siya doon.
Simula noon, naging mas malaki ang naging hamon ng aming buhay. After makagraduate ni Ate nagtrabaho siya kung kaya’t siya ang naging katuwang ni Tatay sa lahat. Sa pagtutulungan nilang dalawa napagtapos nila ako. Ako bilang ganti sa mga hirap ni tatay at ate nagsumikap din ako magtrabaho. At tulad din ni nanay naisip ko din magpunta ng America kung kaya’t habang nagtatrabaho ako dito sa Pilipinas sinasabayan ko ito ng pag-aayos ng mga papeles papunta ng America. Actually ilang beses din ako na deny sa aking visa pero hindi ako sumuko hangga’t hindi ito naaaproved sa US embassy. Nang maaapprove ang visa ko sobrang saya ko kasi makakarating na ako ng Amerika. Ipinangako ko kina Tatay at Ate na magtatrabaho ako doon ng maayos at once na magkaroon ako ng green card at maging US citizen kukunin ko sila sa Pilipinas upang doon magsama sama.
At ito na nga andito na ako sa Amerika, ang naging sandalan ko dito ng ako ay dumating ay si Tita Mirna pinsan siya ni Nanay nang mabalitaan niyang pupunta ako ng Amerika siya mismo ang nag offer na sa kanya ako tumira pagdating dito. Wala ako sinayang na araw at oras para maghanap ng work ngunit hindi rin pala ganoon kadali na matanggap ka dito sa Amerika umabot ang dalawang buwan wala pa rin ako nahahanap na work. Tyempo naman na nagkukuwentuhan kami ni Tita Mirna na open ko sa kanya ang sitwasyon ko sabi ko kay Tita ” Tita paano ito malapit na mapaso ang visa ko pero di pa rin ako nakakahanap ng work.” Nabigla ako sa suggestion ng Tita sabi niya “kung hindi ka pa makahanap ng work before ma expired visa mo kung papayag ka kailangan mong magpakasal sa isang lalaki na US citizen para hindi ka makauwi ng Pinas it means Jasmine arrange marriage ang tawag dun dito.” At dahil sa kagustuhan kong wag umuwi pumayag ako sa sinasabi ni Tita Mirna na arrange marriage. Hanggang isang araw may ipinakilala siya sakin na lalaki Luis ang name niya at isa siyang Phil-Am. In fairness ang gwapo niya, matangkad, maputi at matikas ang katawan. Nakwento na sa kanya ni Tita Mirna ang sitwasyon ko. Kaso may kondisyon siya sakin. Kailangan ko siyang bayaran ng 50 US dollar. Sa kagustuhan kong wag makauwi ng Pilipinas para matupad ko ang pangarap ko sa aking pamilya pumayag ako sa gusto ni Luis. After nun nagpakasal kaming dalawa. Civil wedding lamang ginawa namin. Akala ko after namin makasal ok na lahat nun pala kelangan pa namin makapasa sa interview mula sa mga immigration officer na talagang totoo kaming nagpakasal at talagang may halong pagmamahal sa isa’t isa. Kapag nakapasa kami doon pa lang maaapprove ang green card para sa akin.
Sa totoo lang mahirap din ang arrange marriage dahil kailangan ng pagpapanggap. Pero kailangan kong gawin para sa pamilya ko. Parehas kaming nagaadjust ni Luis sa sitwasyon namin now tabi kami sa higaan pero may harang yung gitna ng kama. Kanya kanya din ang food namin. Ngunit pag may bumibisita sa amin na immigration officer maayos kaming humaharap na parang tunay na mag-asawa at napakalambing sa isa’t isa.
Ngunit habang tumatagal ang aming pagsasama nakikilala ko na siyang mabuti. Mabait, maalalahanin at malambing kung kaya’t unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Feeling ko totoo na lahat ang nararamdaman ko. Pero pinili ko itago yun dahil ayokong malaman niya.
Nang mga panahon din na iyon nagkaroon ako ng trabaho sa isang fast food restaurant bilang crew, Di kalakihan ang sahod pero makakatulong na din sakin para sa panumuhay ko sa Amerika. Tumatanggap din ako ng ibang sideline gaya ng paglilinis ng bahay at baby sitter basta kaya pa ng oras ko. Ganito naman talaga pag OFW ka wala ka dapat sayangin na oras kaya lahat ng raket naiisip mo basta makaipon ka lamang.
Pagkalipas ng isang taon, dumating na ang resulta ng lahat ng interview namin ni Luis at thanks God dahil APPROVED ang result it means magkakaroon na ako ng green card. Oras na matanggap namin ko yung result tumakbo ako papunta kay Luis at napayakap ako sa kanya ng mahigpit at nagkatitigan kami hanggang sa magdikit na kapwa ang aming labi sa tuwa. Nang kapwa naming naramdaman yun bigla kaming nahiya sa isa’t isa di namin expected na mangyayari yung ganoon sa sobra naming saya.
After 3 weeks dumating ang green card ko sobrang saya ko grabe kaya dali dali ko itong ibinalita kina Tatay at Ate. Sa sobrang saya ko nasabi ko sa kanila na uuwi ako ng Pinas para magbakasyon at makasama sila. Pagkatapos naming mag-usap bigla kong naisip si Luis dahil hawak ko na ang aking green card kailangan naman naming pag usapan ang aming divorce. Bigla akong nalungkot ng oras na iyon dahil sa totoo lang Mahal ko na si Luis.
Nakauwi na ng bahay si Luis galing ng work. Sabay kami kumain ng hapunan. Ang tahimik namin, di kami nagkikibuan basta kain lang kami ng kain hanggang sa matapos kami. Nang matapos na ang aming hapunan nagsalita na ako at kinausap ko si Luis about sa gagawin naming divorce ngunit di kumikibo si Luis na para bang walang naririnig. Kaya di ko na lang siya pinilit na pag-usapan namin yun. Kaya ang sinabi ko na lang sa kanya uuwi ako ng Pilipinas upang magbakasyon at pumayag naman siya. 
Dumating na ang araw ng aking bakasyon. Hinatid ako ni Luis sa airport at ng papasok na ako bigla nya ako niyakap at sinabing “mag-iingat ka ha” at bigla nya ako hinalikan sa noo. Pagdating ko sa Pilipinas nakita ko sina Tatay at Ate na masaya akong sinalubong at niyakap ako ng mahigpit. Sobra kong namiss ang pamilya ko kaya naman dali dali na kami umuwi sa bahay. At paguwi namin laking gulat ko dahil may pa welcome party pala na inihanda sina Ate at Tatay para sa akin. 
Sa pag stay ko sa Pilipinas masaya kaming nagbonding ng pamilya ko. Namasyal, kumain at namili ng mga gamit para kina ate at tatay. Ngunit sa kabila ng kasayahan ko bigla ko namiss si Luis. Naisip ko kung anu ba ginagawa niya at kung naiisip ba nya ako. Walang alam ang pamilya ko na nagpakasal ako sa Amerika. Hindi ko kasi masabi sa kanila na arrange marriage lang yung nangyari sa amin ni Luis kasi para kay Tatay isang sagradong seremonya ang kasal na di dapat balewalain kaya nagawa kong ilihim sa kanila.
Ilang araw pa lang ako namamalagi sa Pilipinas ng biglang may nagtanong kay Tatay na kung saan ang bahay ko. Kaya ang tanong ni Tatay ay ” bakit mo hinahanap si Jasmine, sino ka ba”. Nagulat si Tatay ng sagutin siya nung taong kausap niya at sinabing “ako po si Luis asawa po ni Jasmine”. Hindi nakakibo si Tatay noong oras na iyon. Pero pinatuloy niya ito sa bahay at pinaupo sa upuan at tinawag ako. Pagtawag sa akin laking gulat ko ng makita ko si Luis, kinabahan ako ng sobra dahil nga walang alam si Tatay na kasal na kami. Kung kaya’t ng magkakaharap na kaming apat tinanong ako ni tatay kung totoo ko bang asawa si Luis. Sabay kaming sumagot ni Luis ng “OPO”.,Hindi na ako nagtaka sa magiging reaksyon ni Tatay, pero kinausap niya kami kung bakit nangyari yun kung kaya’t ipinaliwanag namin kay tatay. At dahil doon naintindihan niya kami ni Luis at tinanong kung anu balak namin dalawa. Nasurpresa ako sa sinagot ni Luis kay Tatay “Tito Mahal ko po si Jasmine, sa kabila ng pagsasama namin lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Akala ko po noong una hindi ko magagawang mahalin si Jasmine pero ng magtagal ang aming pagsasama at nakikilala ko na po siya. Unti unti na po ako nahuhulog sa anak niyo at napatunayan ko pong pagmamahal na ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya kasi baka po hindi niya ako matanggap.” Pagkasabi niya nun kay Tatay hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala na Mahal na rin pala niya ako.
Oras na ng pagtulog namin, ng biglang hawakan ni Luis ang aking kamay at niyakap ako ng mahigpit. Habang yakap niya ako tinanong ko siya ” Luis, totoo ba lahat ng narinig ko sa mg sinambit mo kay Tatay? totoo bang mahal mo din ako.? Bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat tinitigan ako sa dalawang mata habang sinasabi niya na “Oo Jasmine walang halong biro lahat yun. Mahal na mahal kita at ayoko na mawala ka pa. Kaya kung maaari ayokong pag usapan ang tungkol sa divorce. Gusto ko na totohanan na ang ginawa nating kasal sa Amerika. Di ko kaya na mawawala ka”. Nang marinig ko lahat iyon mula sa kanyang bibig sobra akong natuwa at sinabi ko rin sa kanyang mahal na mahal ko din siya kung kaya’t nagyakap kami ng mahigpit sa isa’t isa.
Hanggang ngayon masaya kaming nagsasama ni Luis sa Amerika at may permanent na akong trabaho bilang isang Nurse. Mayroon na rin kaming tatlong anak. Pagdating naman kina Tatay at Ate, sa wakas naapprove na rin ang kanilang petition kaya makakasunod na sila dito sa Amerika. Kaya sobra sobra ang aking kasayahan. 
Para sa mga kababayan kong OFW, wag tayong mawawalan ng pag-asa sa mga bagay na akala natin ay hindi na natin kayang solusyunan. Tingnan niyo po ako, isang arrange marriage ang naging solusyon sa problema ko dahil hindi ko po ito sinukuan. At dahil din dito natagpuan ko ang special na tao na talaga namang minamahal ako at nagbigay kulay sa aking buhay. Arrange marriage na naging totohanan para sa amin ng aking mahal na si Luis.