Sun. Apr 28th, 2024

Abroad isang salita na para sa iba ay magandang pakinggan pero hindi nila alam ang hirap na pinagdadaanan mo habang nasa abroad ka. Hindi alam ng iba kung anu ang dapat mong tiisin para lamang makaipon at makapagpadala ng pera sa mga naiwan mo sa Pilipinas.
Ako nga pala si Jessica, nais kong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang tao na naging malapit sa buhay ko na mas ginustong sumuko sa buhay kaysa harapin ito. Matalik kaming magkaibigan ni Isabel simula pa nung highschool. Kami na ang magkasama that time na parang isang tunay na magkapatid na ang aming turingan. Hanggang sa mag college iisa din ang aming school. Sabay din kami nagtapos. Business Administration ang tinapos ko samantalang ang Bestfriend ko ay I.T. Sa lahat ng bagay hindi mo talaga kami mapaghihiwalay, para nga kaming kambal eh. 
Pagdating sa pamumuhay namin dalawa mas nakakaangat ang pamilya ko. Ang buhay ng bestfriend ko ay simple lamang. Pangalawa siya sa kanilang magkakapatid. Pagdating sa pamumuhay nila si Isabel ang inaasahan ng kanyang pamilya. Sa totoo lang, kahit hindi magsabi sa akin ang bestfriend ko alam kong may dinadala siyang problema. Hindi naman din niya kasi maipagkaila sa akin yun dahil nakikita ko rin sitwasyon ng buhay nila. Kaya nga sabi sa akin ni Isabel once na nagtapos kami, “sa wakas Best graduate na tayo, makakapaghanap na tayo ng work matutulungan ko na sina Mama ko at Papa ko”. Natutuwa naman ako sa kanya dahil magkagun man lagi positive lang siya sa buhay.
Isang araw, nagyaya siya mag-apply sa Manila. Nag-apply kami sa mga agencies na nagpapaalis papuntang Taiwan. Hindi kami nabigo parehas dahil natanggap kami parehas kung kaya’t tuwang tuwa kami lalo na ang aking Bestfriend. After 3 months of waiting nakaalis kaming dalawa ng Pilipinas upang magtrabaho sa Hsinchu, Taiwan. Noong una, nahirapan kaming dalawa sa work namin pero nung magtagal na kami nakakasabay na kami sa lahat ng aming ka work-mate.
Nakikita ko kay Isabel na enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Kaya naman natutuwa ako dahil kahit paano naiibsan ung mga dinadala niya sa kanyang dibdib. Pag day-off namin kumakain at namamasyal kami sa labas. At ito rin yung mahabang oras para magkakwentuhan kami. Habang nagkukwentuhan kami nasabi niya sa akin, “sana Best ganito na lang palagi noh. yung wala ba akong iniisip yung masaya lang ba palagi. Kaya salamat Best sa lahat ha kasi di mo ako iniiwan at palagi ka andyan”. Sabi ko naman sa kanya “anu ka ba naman syempre Bestfriend tayo eh”. Natanong ko tuloy siya. Sabi ko sa kanya “Best, may problema ka ba?” ngunit sabi niya sa akin wala naman. Pero makikita mo sa kanyang mukha na nakangiti naman. Pero ang pakiramdam ko may dinadala siyang problema. Ganun naman si Isabel, never siyang nagsabi sakin ng mga problema lalo na kung ang involve ay ang kanyang pamilya. Mas gusto lang niyang sarilinin. Pag-uwi namin sa dorm at naghiwalay na kami dahil mag-kaiba ang room namin bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit at sinabing “Best, mag-iingat ka palagi ha. Mahal na mahal kita”. Bigla na lang tumulo luha ko sa di malaman na dahilan na may kasamang kaba ng marinig ko ung mga sinabi niya sa akin. Kaya sabi ko kay Isabel “Best, ok ka lang ba talaga kung may problema ka sabihin mo sakin andito lang naman ako Best.” Sagot naman niya sakin ” ok lang talaga ako Best” at nakangiti lang siya nung oras na iyon.
Kinaumagahan, pumasok na ako sa work.    Nung araw na iyon nauna akong pumasok sa Bestfriend ko dahil sabi niya mauna na ako at may gagawin lang siya. Wala na rin siyang kasama ng mga oras na iyon sa kanyang room. Nung nag start na ang production namin wala pa rin siya. Hindi siya pumasok. Hindi ako mapakali ng oras na iyon gusto kong magpaalam sa superior ko pero di ko magawa dahil hindi pwedeng iwanan ang  process ko. Kung kaya’t ng mag uwian na kami dali dali akong lumabas ng company. Pero ang kaba ko hindi nawawala hindi sinasagot ng Bestfriend ko ang tawag ko. Hanggang nasambit ko “Diyos ko wag mo pabayaan bestfriend ko”. Pagdating ko sa dorm ang daming tao na para bang may gulo at may mga pulis at ambulance. Mas tumindi ang aking kaba. Kaya tumakbo ako ng mabilis paakyat. At nabigla akong sobra na ang mga pulis ay nasa isang kuwarto na kung saan ang room ng Bestfriend ko. Pagpasok ko sa kwarto na iyon napasigaw ako ng sobra at napaiyak dahil ang pinagkakaguluhan ay walang iba kundi si Isabel, ang bestfriend ko na naka hang sa kesame na may lubid ato wala ng buhay. Wala akong nagawa kundi umiyak. Nang maibaba na siya, niyakap ko ang bestfriend ko at sinabi ko “bakit best, bakit mo ginawa ang ganito.” hanggang sa dalhin na siya sa morgue. Sa morgue, may inabot sakin na papel yung isang pulis at nang buksan ko, ito  ay isang sulat na mula kay Isabel at ang nakasaad ay ito:
Dear Best,
Sa mga oras na ito habang binabasa mo ang sulat ko malamang wala na ako. I’m sorry Best kung sa loob ng dalawang taon natin dito sa Taiwan ay kailangan ko nang umalis. Sorry Best ha, kasi talagang pagod na ako. Hindi naman ako nagkulang sa kanila, pero bakit ganun hindi sila nakukuntento. Lahat ng imbot nila ako. Best hindi naman tayo mayaman dito. Hirap na hiral tayo dito para magtrabaho. Patawarin mo ako Best kung hindi ko masabi sayo lahat ng pinagdadaanan ko. Dahil ayoko madamay ka sa problemang dinadala ko. Malaya na ako Best, sa pag-alis ko baka dun sa kabilang buhay ko mahanap ang katahimikan na nais. Patawarin mo ako Best kung kailangan kita iwan. Mahal na mahal kita dahil sa inyo ko naramdaman nila tito at tita ang pagmamahal na gusto kong makuha sa sarili kong pamilya. Lagi mong iingatan ang sarili mo at wag mo akong kalimutan. Paalam Best.
                           Nagmamahal,
                           Isabel
Habang binabasa ko ito walang tigil ang pagtulo ng aking luha. Bakit hinayaan niya na talunin siya ng Depression. Iyak ako ng iyak. Iniwan na ako ng Best friend ko. Bakit ito ang naging solusyon niya sa problema niya. Sabi ko naman andito lang ako para suportahan siya. Pero mas ginusto ni Isabel na tapusin ang buhay nya para lang matakasan ang lahat ng sakit na dinadala niya. 
Kasama akong umuwi ng ihatid ang bangkay ni Isabel sa Pilipinas. Nagpaalam ako sa superior ko na magbakasyon hanggang sa malibing ang Bestfriend ko at naunawaan naman nila iyon. Sa airport, nakaabang na ang pamilya ni Isabel at lahat sila ay tumatangis. Andun din ang Mama at Papa ko na sinalubong ako ng yakap habang umiiyak. Sobrang sakit kasi itinuring ko nang kapatid ang Bestfriend at nawalan ako ng isang kapamilya. Habang umiiyak ang kanyang pamilya hingi ito ng hingi ng tawad sa kanyang kabaong. Naisip ko tuloy, bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat. Pero wala na rin kaming magagawa dahil pare-parehas kaming nawalan ng isang tao na mabait at mapagmahal na gagawin lahat para sa mga mahal niya. Na ang naging problema lamang ay hindi pinahalagahan ang hirap na ginawa niya. 
Dumating ang araw ng libing ng Bestfriend. Ito ang araw na huli ko siyang makakasama. Kung nasaan man siya ngayon alam kong masaya  na siya ngayon sa piling ni God. At alam kong lagi niya ako babantayan. Hinding hindi ko siya malilimutan at lagi syang nasa puso ko. Maraming salamat sa lahat ng saya at pagmamahal BEST Isabel.
Nakabalik na ako ng Taiwan, patuloy na nakikipagsapalaran doon kasama ang alaala ang aking mahal na kaibigan na si Isabel. 
Sa mga nakakabasa po nito sana kapulutan din ng aral na porke OFW ka sa ibang bansa marami ka ng pera na maya’t maya kaya mong magpadala ng pera sa mga naiwan mo sa Pinas. Ang isang OFW, dugo’t pawis ang puhunan bago kumita ng pera. Iipunin para may maibigay at maipadala lang sa pamilya nya at para sa lahat ng pangangailangan nila. Kaya hangga’t maaari matuto tayong pahalagahan kung anu man ang ipinadala sa atin ng ating pamilya sa abrod at higit sa lahat matuto tayong makuntento. Ito lamang ang maaari nating maitulong sa mga kaanak natin na nasa ibang bansa habang sila ay nagsasakripisyo ng hirap doon.