Mon. Apr 29th, 2024

“Dinaya ko ang kabuwanan ko para mapagtakpan ang kamaliang nagawa ko”
Taong 2009 nang umalis ako ng Pilipinas papuntang Japan upang magtrabaho bilang entertainer. Ako nga pala si Jane mula sa probinsya ng Quezon, galing sa isang mahirap na pamilya. Kaya naman pinasok ko na ang buhay entertainment dahil hindi rin naman ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa hirap ng aming buhay.
Sa aking pagtatrabaho sa bansang Japan ay naging maayos ang aking buhay. Malaki ang kita kaya naman napaayos ko agad ang aming bahay sa probinsya. Hindi nagtagal ay nabilhan ko din ng isang lupa ang pamilya ko upang magamit din nila sa kanilang pamumuhay ng sa ganun ay maka-ipon ako.
Makalipas ang ilang buwan ko na pagtatrabaho bilang entertainer ay nagkaroon ako ng isang masugid na customer, si Homer. Isa siyang factory worker sa Japan. Naging madalas ang kanyang pagdalaw sa aming tinutuluyan at minsan doon sa club na pinapasukan. Hindi nagtaggal ay naging kami ni Homer. Ngunit hindi linggid sa kanyang kaalaman na meron akong isang customer na Japanese na masugid kong manliligaw.
Napapadalas ang aming labas ni Homer kaya naman hindi naglaon ay nabuntis ako ni Homer. Problemado ako noong mga panahong iyon dahil wala talaga akong nararamdamang pagmamahal sa kanya kundi init lang ng katawan saka magaling si Homer sa kama. Kaya nadadala niya ako sa mga ganung bagay.
Ipinagtapat ko kay Homer ang aking pagdadalang tao. Laking tuwa niya ng marinig niya ang magandang balita. Parehas naman kaming single at walang asawa sa Pilipinas. Subalit binabagabag rin ako ng konsensya dahil sa aking kalaguyong hapon sapagkat marami na ito naibigay sa akin lalo sa mga kabuhayan namin sa Pilipinas, kaya naman nagdesisyon na akong hiwalayan si Homer. At kinausap ko ang hapon na magsama na kami.
Nangyari ang lahat ng mga plano ko, nagsama kami ni Asikito, isanama niya ako sa kanyang bahay at ipinakilala sa kanyang mga magulang. Isang biyudo si Asikito at may dalawang anak .
Mag-iisang buwan palang ang tiyan ko noon at may nangyayari na sa amin ni Asikito. Pero sigurado ako na ang ipinagbubuntis ko noon ay anak ni Homer dahil ang petsa at bilang ay sa panahong madalas pa kami magkasama ni Homer.
Lumipas ang isang buwan naming pagsasama ni Asikito ay ibinalita ko sa kanya na buntis ako at siya ang ama. May konting pag-aalinlangan ako nakita sa mukha niya ngunit masaya niya itong tinanggap.
Wala noon si Asikito dahil nasa business meeting siya sa Singapore ng manganak ako. Agad naman tumawag ang kanyang ina upang ibalita na nanganak na ako. Narining ko sa kanilang pag-uusap na tinatanong ng asawa kung bakit napaaga yata naman ang  panganganak. Ipinaliwanag nalang ng ina niya na dahil unang panganganak ko palang minsan daw ay maaga talaga lumalabas ang bata. Tinanggap naman ng asawa ko ang paliwanag ng kanyang ina. Hindi rin halata ang itsura ng anak ko dahil singkit ito, mana kay Homer na chinito ang mata.
Naging maayos ang aming pagsasama ni Asikito at ngayon ay nakabase na kami sa Singapore dahil nandito ang kumpanyang pinapasukan ng aking asawa. At kay Homer naman ay hindi na ito naghabol pa sa anak namin ang huling balita ko ay umuwi na ito ng Pilipinas at nakapag-asawa na rin sa kanilang probinsya.