Sat. May 18th, 2024

 

Simple lang ang buhay ko sa Pilipinas. Ang kabuhayan namin ay masasabi ko na nabibilang sa middle class ngunit magkaganoon man dumadanas din kami ng kahirapan sa buhay. Ang aming mga magulang ay kapwa may trabaho pero hindi rin maiiwasan talaga sa buhay na dumating sa kagipitan. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay ang apat kong kapatid lahat sila ay nagaaral. Isa ay nasa kolehiyo, ang isa ay nasa high school at ang dalawa ay nasa elementarya pa lamang.
Bilang panganay na anak nakikita ko ang hirap na pinagdadaanan ng aking pamilya. Maayos ang trabaho ko dito sa Pilipinas isa akong regular employees sa isang company sa Makati at maayos din naman ang aking kita ngunit kahit ganun minsan napapaisip pa din ako na umalis ng bansa at makipagsapalaran sa ibang bansa. At dahil sa nakikita ko nap nararanasan ng aking magulang na hirap especially sa financial problem nagdecide ako na ituloy kung anu ang iniisip ko at ito ang magpunta at makipagsapalaran sa ibang bansa.
Habang nagtatrabaho ako, sinasabayan ko ito ng pag-aapply sa mga agency na nagpapaalis papunta ng ibang bansa. Sa tulad kong may work mahirap itong pagsabayin pero pinagtitiyagaan ko dahil gusto kong magbakasakali na may magandang oppurtunity na naghihintay sakin doon. Sa pag-aapply ko, natanggap ako sa inaplyan ko at dumating ang time ng aking pag-alis. Sa  bansang UAE ako na deploy bilang Administrative Assistant. Pagdating ko doon nasabi ko sa sarili ko, ” andito na ako panibagong buhay, panibagong pakikisama at tulad ng iba isa na rin akong OFW na nakikipagsapalaran dito para sa aking pamilya”.
Sa totoo lang, hindi nawala ang aking kaba dahil first timer ako at nagkaroon din ng takot ang dibdib ko dahil baka hindi ako matanggap ng mga tao na makakasama ko dahil alam kong iba ibang lahi ang makakasalamuha ko. Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang aking laban sa ibang bansa dahil gusto kong matulungan ang Mama at Papa ko sa lahat ng mga neccesities sa aming buhay. Ayoko kasi silang nakikitang nahihirapan sa pag-iintindi ng problema kung kaya itinulot ko ang plano kong ito.
Maganda naman ang naging buhay ko sa UAE at naging familiar na rin ako sa naging trabaho ko dito. At dahil din dito marami na din nadagdag sa kaalaman ko  sa trabaho. Oo, tama minsan na hohome sick ako pero nilalabanan ko ito. Kapag nararamdaman ko ang ganitong sitwasyon lumalabas ako ng bahay para mag-palamig sa mga mall, pinupuntahan ko din ang ibang mga pasyalan sa UAE, kakain sa labas at kung anu anu pa na pwedeng gawin kasi pag OFW ka ito ang pinakamatindi mong kaaway ang HOMESICK kaya ikaw din gagawa ng paraan para matalo mo ito.
Madalas naman kaming makapag-usap ng aking pamilya. Lagi nila ako kinukumusta kaya sabi ko ok naman ako pero sa kabila nun ang sobrang pagka-miss ko sa kanila dahil matagal ko silang hindi nakakasama. Pero hindi ko
pwede ipakita sa kanila yun dahil ayoko silang mag- alala sa akin. Ang importante sakin makita silang masaya at maayos.
Sa pagtitiyaga ko sa UAE hindi ako nabigo sa lahat ng plano ko at pangarap ko sa buhay. Bagkus, sobrang saya ko pa dahil natulungan ko ang aking pamilya at mga kapatid. Sa ngayon, wala ng problema sa financial ang aking magulang at patuloy pa rin akong tumutulong sa mga gastos para sa pag- aaral ng mga kapatid ko. Ang kontrata na dapat ay dalawang taon lamang ay naextend hanggang sa maging regular akong empleyado sa pinapasukan kong company sa UAE kaya sobrang masaya ako. At laking pasasalamat ko kay GOD dahil hindi nya ako pinabayaan sa kabila ng aking pag-iisa. At tinulungan din nya ako na hindi nagkamali sa desisyon na aking tinahak.
Sana sa mga kapwa kong OFW, maging isang inspirasyon sa inyo ang naging takbo ng buhay ko sa ibang bansa. Ako nga pala si Gio at ito ang aking kwento.