Sat. May 18th, 2024
“Kung mayroon tayong mga pangarap sa buhay, dapat tayong gumawa ng isang paraan at magsumikap upang makamit ito o kung hindi man ang pasanin ng pagkabigo ay laging nasa atin hanggang sa wakas. “Ito ang motto na laging nagpapaalala sa akin na subukan at hindi mawalan ng pag-asa na sana sa kabila ng maraming rejection na pinagdaanan ko dahil sa aking height. Bago ako magpatuloy na ibahagi ang aking kwento, nais kong magpakumbabang magpakilala, ako si Seath na mula sa lalawigan ng Ilocos.
Limang taon na ang nakalilipas nang pumunta ako sa Metro Manila upang maghanap ng trabaho.  Tulad ng pangarap ko dati, ang magtrabaho sa ibang bansa.  Nagpasya akong mag-aplay para sa isang trabaho sa Taiwan ngunit sa kabila ng aking height hindi ako nakakapasa dahil karamihan sa mga ahensya para sa Taiwan ay naghahanap ng isang matangkad na mga aplikante.  Maraming beses na ako ay nareject, sinubukan ko na ring magsuot ng maraming medyas upang maabot ang limitasyong itinakda ng employer ngunit nahuli ako ng mga tauhan ng ahensya at tinanggihan nila ulit ako.  Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa sa kabila ng stress at pagkalungkot na nararanasan ko tuwing narereject ako sa pag-aapply
Tumagal ako ng pitong buwan sa pag-aapply ng trabaho na patungo sa Taiwan.  Mula sa aming lalawigan sa Ilocos nagpunta ako sa Maynila upang maghanap ng trabaho sa mga ahensya.  Nagrenta ako ng isang kama  bilang isang Bedspacer sa Maynila habang nag-a-apply dahil ang aming probinsya ay milya ang layo mula sa kabisera ng Pilipinas.  Araw-araw ay gigising ako ng madaling araw upang matiyagang maghanap ng anumang hiring na mga ahensya or company.  Ang paglalakad sa ilalim ng init ng araw ay patuloy na nakakapagod at may mga pagkakataong hindi ko man lang magawang kumain ng tanghalian or kung minsan naman ay lagi na lang late ang aking pagkain.  Karamihan sa mga ahensya na inaplayan ko ay palaging sasabihin na tatawagan nila ako kung mayroong anumang company hiring ngunit syempre, hindi ko ipagsapalaran ang aking pagkakataon sa ahensya lamang na iyon.  Paikot-ikot ako at walang sawang ipinapadala ang aking resume na umaasang makakakuha ako ng trabaho sa ibang bansa.  Ito ang aking pang-araw-araw na gawain hanggang sa makakita ako ng ahensya na hindi nangangailangan ng limitasyon sa taas.  Kaya kinuha ko ito at marahil ito ang aking masuwerteng araw dahil naipasa ko ang lahat ng mga interviews at exams.
Tinawagan ko kaagad ang aking ina upang sabihin sa kanya na natanggap na ako sa trabahong inaplayan ko kung kaya’t malapit nang tumaas ang aming pinapangarap na bahay.  Natutuwa kaming lahat ng aking pamilya para sa mabuting balita.  Upang gawin itong maikli, nakarating na ako sa ibang bansa, marami akong natutunan sa pagiging isang OFW.  Una, dapat mong malaman kung paano makisalamuha sa iba at kailangang may respeto sa bawat isa.  Unti-unting sinimulan ko ang aming pinapangarap na bahay, nagpasya ang aking pamilya na gawing mas malaki ito.  Sa pagtatrabaho sa ibang bansa at pagkamit ng aking mga pangarap, palagi kong iniisip ang mga pangangailangan at kagustuhan.  Sa kasalukuyan ang aming pinapangarap na bahay ay halos tapos na.
As of now, nandito pa rin ako at pinalad na magkaroon ng trabaho sa ibang bansa.  Gagawa ako ng ilang payo sa mga naghahangad na mga aplikante na nais mangibang bansa na huwag maging malungkot at hindi kailanman mawalan ng pag-asa dahil kung nakikipaglaban tayo na kasama ang panalangin, walang imposibleng malampasan natin ang bawat balakid na darating sa ating buhay.